Disiplina muna campaign ng DILG, ilulunsad sa Marikina City

42

Ilulunsad na rin ngayong araw ng DILG o Department of the Interior and Local Government sa Marikina City ang programang disiplina muna.

 

Pangungunahan mismo ni DILG Secretary Eduardo Año ang launching kasama si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro gayundin ang mga alkaldeng bumubuo ng Metro Manila Council.


 

Ikalawa ang Marikina sa mga lungsod sa Metro Manila na naging pilot cities ng disiplina muna sunod sa Maynila dahil sa pagiging huwaran sa pagtataguyod at mahigpit na pagpapatupad ng disiplina sa kanilang mamamayan.

 

Kasunod nito, nagpasalamat naman si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa pagkakapili sa kanilang lungsod para pagsimulan ng nasabing programa.

 

Matatandaang nanguna ang Marikina City sa mga lugar sa Metro Manila na nakasunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mga bangketa sa publiko at linisin sa anumang sagabal ang mga kalsada.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers