Monday, January 26, 2026

DISIPLINA SA WASTE SEGREGATION, OBLIGASYON NG MGA RESIDENTE – DAGUPAN CITY LGU

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na obligasyon ng bawat residente ang mahigpit na pagsunod sa waste segregation bilang pangunahing hakbang upang tuluyang matugunan ang matagal nang problema sa basura sa lungsod.

Ayon sa pamahalaang lungsod, isinara na ang dumpsite at patuloy ang pagtanggal ng tinatawag na legacy waste bilang bahagi ng pangmatagalang plano sa solid waste management, kabilang ang pagbabagong-gamit ng dating dumpsite area sa ilalim ng ONE Bonuan Vision.

Binigyang-diin na ang waste segregation ay hindi opsyonal kundi isang tungkulin na kailangang ipatupad agad upang maiwasan ang muling paglala ng krisis sa basura at mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng komunidad.

Lumahok sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at sektor sa lungsod, kabilang ang mga opisyal ng barangay, waste management personnel, at iba pang katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments