“Disiplinaia” Program, ilulunsad ng Manila Int’l Airport Authority ngayong buwan

Ilulunsad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ngayong buwan ang “Disiplinaia Kasama sa Pagbabago” Campaign.

Ito ay bahagi ng programa ng Duterte Administration na ituro ang pagdidisiplina sa mga mamamayan.

Ayon sa MIAA, hihikayatin nila ang mga empleyado at pasahero ng paliparan na gamitin ang tagline upang maisaisip ang disipilina.


Maglalagay din ang pamunuan ng banners at streamers sa iba’t-ibang lugar ng apat na terminal ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) upang ipaalala sa mga pasahero at empleyado ang kahalagahan ng disiplina.

Facebook Comments