Grupo-grupo kung mag-ikot ang ilang kabataan sa Manila North Cemetery ito ay para makakuha ng mga basura na pwede pang pakinabangan.
Simula kagabi hanggang sa mga oras na ito marami pa ring kalat sa loob ng sementeryo yan ay kahit labas pasok na ang mga truck para maghakot ng basura.
Ayon kay Jemar, plastic bottle at natunaw na kandila ang kanilang pakay sa pag-iikot.
Per kilo ang benta sa kanilang makukuha at ibibili ng pagkain ang kanilang kikitain.
Sa loob mismo ng sementeryo agaw pansin ang karatula kung saan nakasulat na handa silang magbayad ng 8 pesos per kilo para sa natunaw na kandila.
Sinabi ni aling Sara, tutunawin at gagawin muli itong bagong kandila.
Paalala naman ng ilang nakakatanda huwag kunin ang mga kandilang bagong sindi o mahaba pa bilang respeto na rin sa mga namayapa.