Manila, Philippines – Kaniya-kaniyang diskarte ang mga residenteng nasa evacuation center para may matulugan dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Bukod sa mga damit at tulugan, may dalang coco lumber, bamboo, nipa at trapal ang ilang evacuee para gumawa ng kanilang matutulugan.
Ayon naman kay Santo Domingo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Engineer Edgar Balidoy, tubig ang isa sa problema ng mga evacuee tuwing lilikas kaya hihingi na sila ng tulong sa Bureau of Fire Protection at Provincial Government.
Naka-code blue alert na ang Bicol Regional Training and Teaching hospital para paghandaan ang paglala ng sitwasyon ng bulkan at mas matugunan ang mga nangangailangang residente.
Photo credit to John Michael Magdasoc