Manila, Philippines – Umani ng batikos ang pre-nuptial photos nina Billy Crawford at Coleen Garcia na kinunan sa Lalibela, Ethiopia.
Ito ay dahil sa tila ginawa daw nilang mga props ang mga villagers na kasama nila sa photo shoot.
Ilan pang netizens ang nagsabing nagpapahiwatig ng diskriminasyon laban sa local inhabitants ng Semien Mountains ang pre-nup shoot nina Billy at Coleen.
Pero depensa ng photographer nina Billy at Coleen na si Oly Ruiz, wala siyang masamang intensiyon kung di ipakita ang kagandahan ng lugar at ang mga taong nakatira dito.
Magkaganoon pa man, marami pa din ang namangha sa kakaibang pre-nup photos dahil kakaiba daw ito at unique.
Facebook Comments