DISKUPYADO | Mga posisyon sa gobyerno, pambayad utang lamang ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kung may ilang natutuwa sa pagsibak sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno sa ilalim ng Duterte administration, diskumpyado naman dito si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano.

Tinawag ni Alejano na pambayad utang ang pagtatalaga at pagsibak sa mga opisyal nito.

Pinakahuli sa pinatalsik sa pwesto ay si dating PhilHealth President Celestina Ma. Dela Serna dahil sa isyu ng sobra-sobrang allowances at byahe nito gayong bilyon ang nalulugi sa health insurance firm.


Aniya, ang mga pwesto sa gobyerno ay pambayad utang para sa mga kaibigan, kakilala at supporters na tumulong sa kanyang kampanya noong 2016 elections.

Dahil sa madalas na pagsibak ng Pangulo sa mga nakapwesto ay nakakarami siya sa mga binabayarang utang na loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng posisyon sa pamahalaan.

Facebook Comments