Manila, Philippines – Nakatakdang pumirma ang Department of Energy (DOE) at ilang kumpanya ng langis ukol sa ilulunsad na diskuwento sa presyo ng petrolyo para sa mga Public Utility Vehicle (PUV).
Ayon kay Energy Asec. Bodie Pulido, magkakaroon ng P0.50 hanggang pisong diskuwento kada litro ang mga magpapakarga ng petrolyo sa mga PUV lane na epektibo hanggang katapusan ng Hunyo.
Sa taya ng ahensiya, mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng shell stations sa buong bansa ang kabilang sa kasunduan.
Mahigit 140 stations naman ng seaoil at 131 stations ng phoenix petroleum ang inaasahang magbibigay din ng diskuwento.
Facebook Comments