Manila, Philippines – Inilunsad ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ang ‘Diskwento Caravan’ sa Makati City.
Dito mabibili ang mura at dekalidad na school supplies at may 5-percent discount pa.
Mas makakamura rin kung bibili ng bundle packs na sumusunod:
– sa 150 pesos, may 10 kwaderno, 2 ballpen at 2 lapis.
– 175 pesos, may krayola, gunting, pandikit, pantasa, lapis at pambura
Ayon kay Alem Avengoza, isang nanay – mabusisi siya sa kalidad ng school supplies para hindi sayang ang pagbili nito.
Paalala ng DTI sa mga magulang, maging mapanuri para masiguro ang kalidad at ligtas ang mga produktong binibili.
DZXL558
Facebook Comments