Dagupan City – Sa papalapit na pasukan naghahanda narin ang Department of Trade and Industry Pangasinan para tumulong sa mga mamimili sa lalawigan. Sa katunayan muling isasagawa ng DTI Pangasinan ang Diskwento Caravan na nakapaloob sa balik eskwela project ng ahensya. Katuwang ng ahensya ang ilang pribadong mga kompanya sa Pangasinan sa nasabing aktibidad.
Target ng DTI na mapuntahan ang mga lugar sa probinsya na sadyang malayo sa mga malls. Noong nakaraang taon sa ilang bayan sa eastern Pangasinan sumentro ang aktibidad. Ngayong taon naman ay dadalhin ito sa western part ng Pangasinan partikular na ang mga bayan ng bolinao at Anda.
Maaaring makakuha ng mula 10% pataas na diskwento ang mga mamimili sa nasabing caravan. Ilan sa mga produktong dadalhin ng mga kalahok na distributors at retailers ay ang mga school supplies, damit, pantalon, at sapatos pampasok, mga primary commodities at appliances.
Samantala patuloy parin ang paghihikayat ng DTI Pangasinan sa lahat ng mga gustong makilahok na mga pribadong kumpanya sa nasabing caravan. Magsisimula ang Diskwento Caravan ng DTI sa May 28 sa bayan ng Anda at magtatapos ng May 29 sa bayan naman ng Bolinao Pangasinan.