Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa gobyerno na bumuo ng mga polisiyang magpapagaan sa pang-araw-araw na pasanin ng mga Pilipino.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, inirerespeto naman nila ang intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong pero sadyang napakaliit ng P200 buwanang ayuda para sa mga pinakaapektado ng oil price hike.
Sa halip na ayuda, mainam na maglunsad na lamang ang pamahalaan ng mga diskwento caravan kung saan mas murang makabibili ng mga produkto ang mamamayan.
Paliwanag naman ng National Economic and Development Authority (NEDA), kulang kasi ang pondo ng gobyerno para mabigyan ng sapat na ayuda ang lahat.
Samantala, kinumpirma rin ng ALU-TUCP na inihahanda na rin nila ang iba pang wage increase petition para sa ibang rehiyon sa bansa.