Manila, Philippines – Wala pang dahilan para magtaas ng singil sa pamasahe ang mga pampublikong sasakyan.
Ito ang binigyang diin ni Energy Assistant Secretary Leonido Pulido matapos humirit ang mga pampublikong sasakyan ng dagdag pasahe bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Sinabi ni Pulido na hiniling na nila sa mga kumpanya ng langis na maglatag ng programa upang mabigyan ng diskwento ang mga pampasaherong sasakyan.
Layon aniya nitong hindi masyadong maramdaman ng mga tsuper ang epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo.
Bukas, inaasahang muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo bunsod narin ng paggalaw ng presyuhan nito sa merkado.
Facebook Comments