Diskwento ng VAT sa mga presyo ng produktong petrolyo, hirit ng Piston

Manila, Philippines – Humihirit ang grupong Piston ng diskwento o pagtanggal ng Value Added Tax (VAT) sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito’y kasabay sa nakaambang petisyong itaas sa singil sa pamasahe.

Ayon kay Piston President George San Mateo, kung papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa kasalukuyang walong pisong minimum fare sa jeep ay itataas ito sa sampung piso.


Pakiusap nila kay Pangulong Rodrigo Duterte, gawan ng paraan ang presyo ng mga krudo.
Kasabay nito, sasabay din ang mga transport groups sa mga gagawing kilos protesta sa Huwebes (Sept. 21) kaugnay sa anibersaryo ng martial law.

Samantala, ikakasa naman sa susunod na linggo ang dalawang araw na malawakang tigil pasada ng grupong stop and go coalition bilang protesta naman sa planong jeepney modernization.

Facebook Comments