Diskwento sa bayarin sa kuryente ng senior citizen, isinulong sa Kamara

Pinabibigyan ni Sorsogon 1st district Rep. Bernadette Escudero ang mga senior citizen ng 5% na diskwento sa unang 200 kilowatt per hour (kWh) na konsumo sa kuryente kada buwan.

Nakapaloob ito sa inihain ni Escudero na House Bill 7917 na layuning amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Layunin ng panukala ni Escudero na mabigyan ng mas maayos na serbisyo at tulong ang mga lolo at lola sa bansa.


Tiwala si Escudero, na ang kanyang panukala ay tutugon sa pangangailangan ng mga senior citizens at magsasakatuparan sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo.

Facebook Comments