Diskwento sa kuryente para sa mga miyembro ng 4Ps, isinusulong ng pamahalaan

Isinusulong ng gobyerno ang awtomatikong pag-enroll ng lahat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries para siguradong makakuha sila ng diskwento sa kuryente.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Mylene Capongcol, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Marcos para mas maraming mahihirap na pamilya ang matulungan sa kanilang electric bill.

Ngayon, iba-iba ang lifeline discount sa bawat power company. May hanggang 50% lang, pero sa Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO), may 100% discount depende sa konsumo.

Sa panukala, hindi na kailangan ng papeles ang mga 4Ps members. Basta nasa opisyal na listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), awtomatiko silang pasok sa subsidy.

Tiniyak ng DOE na tinatapos na nila ang data-sharing kasama ang DSWD at Energy Regulatory Commission (ERC) para pare-pareho at mas mabilis ang pagbigay ng benepisyo.

Facebook Comments