Diskwento sa pasahe ng mga senior citizen at pwd sa MRT at LRT, itinaas na rin sa 50%

Itinaas na rin sa 50% ang diskwento sa pamasahe ng mga senior citizen at persons with disabilities sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, mula sa dating 20 percent.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng 50% discount sa MRT Santolan-Annapolis Station.

Ayon kay Pangulong Marcos, layon ng programa na magbigay ng mas abot-kayang transportasyon para sa mga nakatatanda at may kapansanan, bilang pagkilala sa kanilang karapatan at pangangailangan.

Epektibo ang diskwento simula ngayong araw, July 16, gamit ang single journey ticket.

Ipatutupad ito araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, at kahit holiday.

Kailangan lamang nilang magpresenta ng Senior at PWD ID.

Facebook Comments