Matapos matalo kay Yordnies Ugas, isa na namang hamon ang kinahaharap ngayon ni fighting Senator Manny Pacquiao.
Ito ay ang disloyalty complaint dahil sa umano’y paglabag ng senador sa PDP-Laban constitution na maaaring mauwi sa pagpapatalsik sa kanya sa partido.
May kaugnayan ito sa sinasabing plano ni Pacquiao na gawing national party ang regional party niya na People’s Champ Movement (PCM).
Una nang itinanggi ng kampo ni Pacquiao ang alegasyon at sinabing mananatili sa PDP-Laban ang senador sa kabila ng umiiral na paksyon.
Samantala, ayon kay PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag, may 10 hanggang 15 ang kampo ni Pacquiao para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat mapatalsik sa partido.
Facebook Comments