DISMAYADO | Binatilyo, timbog sa pagbebenta ng marijuana

Manila, Philippines – Graduating na sana ang naarestong estudyante sa Quezon City matapos mahuling nagbebenta ng marijuana kagabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Angelo, 18-anyos at residente ng no. 26 Illinois Street, Barangay Silangan, sa Cubao.

Ayon kay QCPD station 7 commander Benjie Tremor, binentahan ng suspek ng marijuana na may halagang isang libong piso ang isang pulis na nagpapanggap na buyer.


Nang maiabot na ng suspek ang marked money, ay agad na siyang inaresto ng mga awtoridad.

Narekober sa estudyante ang buy-bust money, ilang mga rolyo ng plastic na may lamang pinaghihinalaang marijuana, isang improvised tube pipe na may trace pa ng marijuana at isang grey na backpack.

Napag-alaman din na nagdiriwang ang tatay ng suspek matapos mapromote sa trabaho sa Quezon City Hall pero natigil ang kasiyahan dahil sa nasabing insidente.

Kasong paglabag sa section 5 at 11 ng R.A 9156 ang isasampang kasong sa estudyante.

Facebook Comments