DISMAYADO | BIR, nasupresa at nadismaya sa CTA hinggil sa lifting ng seizure warrants nito sa assets ni Sen. Pacquiao

Manila, Philippines – Nasupresa at nadismaya ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na ibasura ang seizure warrants nito laban sa bank deposits at real estate properties ng Senador Manny Pacquiao at kanyang asawa na si Jinkee.

Kaugnay ito sa umano ay multi-billion peso na hindi nabayarang buwis.

Ayon sa BIR, ang pagkansela sa Warrants of Distraint Levy (WDL) at garnishment ay masyadong maaga lalo at ang kaso ay sumasailalim pa sa preliminary hearings at hindi pa umaabot sa pre-trial stage.


Katwiran ng CTA first division, ‘lack of merit’ ang seizure warrants at nakatakdang gawin ang pre-trial conference sa Agosto 30.

Hindi pa natatanggap ng BIR ang kopya ng resolusyon ng korte.

Nalaman na lamang ng BIR ang CTA resolution sa mga lumabas na balita na natalo ang kanilang kaso laban kay Pacquiao.

Facebook Comments