Manila, Philippines – Dismayado si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa naging desisyon ng Special Panel of Fact-Finding Investigators ng Office of the Ombudsman.
Sa hatol nakakita ng probable cause ang panel laban kay Faeldon kaugnay sa kontrobersyal na 6.4 bilyong pesos shabu smuggling.
Kaya naman inirerekomenda ng special panel na sampahan ng kasong graft at grave misconduct si Faeldon.
Sinabi ni Faeldon na ginawa lamang nila ang kanilang trabaho para mahuli ang mga smuggled na shabu sa loob ng tatlo at kalahating oras pero sa halip aniya na bigyan sila ng parangal ay pinakakasuhan pa sila.
Ngunit naniniwala ang opisyal na huli ay lalabas rin ang katotohanan.
Si Faeldon ay kasalukuyang deputy administrator for operations ng Office of Civil Defense (OCD).