Manila, Philippines – Dismayado ang House Committee on Energy sa Department of Energy (DOE) dahil hindi ito makapagbigay ng eksaktong figures mula sa nakokolektang pondo sa mga energy resource and generating facilities and companies.
Iginiit ni Energy Committee Chairman Lord Allan Jay Velasco na ipinatawag ng komite ang DOE para alamin kung magkano ang nakukuhang pondo sa mga energy resource and generating companies.
Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu, batay sa EO 194 kailangang magtabi ng 1 centavo per KWH mula sa total electricity sales ang energy resource development bilang financial benefit ng napiling host local government communities o mga barangay.
Ang pondong makukuha dito ay ilan sa elektripikasyon, development at livelihood fund, reforestation, water-shed management, at health and environment enhancement fund.
Pero, mula 1992, hindi alam kung magkano ang hawak na pondo ng DOE mula sa nakukuha sa energy power resource developer at iba pang energy generation companies.
Nabatid din ni Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe, na dapat ay direktang naire-remit ang pondo sa LGUs para agad maipatupad ang mga proyekto pero hindi ito nagagawa dahil kailangan pa magpanukala ng proyekto na aaprubahan muna ng DOE.