DISMAYADO | Jenine Desiderio, muling nadismaya kay Janella Salvador

Manila, Philippines – Dismayado ngayon ang singer/actress na si Jenine Desiderio sa anak nitong si Janella Salvador matapos na kampihan ang kaniyang personal driver.

Nabatid kasi na huli sa akto ni Jenine na nagnanakaw ang hindi na pinangalanang driver ni Janella kung saan nagawa pa nitong magsinungaling.

Pero, sa halip na kampihan daw siya ng anak mas pinaniwalaan ni Janella ang kasinungalingan ng driver kahit pa caught in the act na.


Dahil dito, hindi napigilian ni Jenine na maglabas ng sama ng loob sa social media kaya at marami sa kanilang kakilala ang nagulat sa nasabing isyu.

Matatandaan na hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina kung saan hanggang sa ngayon ay hinid pa rin sila nagkakasundo.

Facebook Comments