DISMAYADO | Kabiguang pagpasa sa 2019 nat’l budget, ikinadismaya

Manila, Philippines – Nadismaya ang Malakanyang sa kabiguan ng Kongreso na maipasa ang panukalang P3.7 trillion national budget para sa 2019 bago natapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isinumite ng executive branch ang 2019 budget sa unang araw pa lamang pero hindi ito naaprubahan hanggang sa nag-adjourn ang sesyon ng Senado noong Huwebes.

Matatandaan na unang nahuli ang House of Representatives sa pag-transmit ng 2019 General Appropriations Bill (GAB).


Habang ang Senado maliban sa Department of Tourism (DOT) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay halos nakumpleto na ang pagtalakay sa pambansang pondo kung saan kinuwestyon ng mga senador ang umano ay “insertion” na P75 billion sa DPWH.

Dahil dito, ang operasyon ng gobyerno sa unang bahagi ng 2019 at batay pa rin sa 2018 budget pero umaasa si Panelo na hindi na ito mauulit dahil maraming serbisyo ang maaapektuhan.

Balik sesyon naman ang Senado at Kamara sa January 14, 2019.

Facebook Comments