DISMAYADO | Kapalpakan ng NFA, ikinaalarma ni Senator Villanueva

Manila, Philippines – Ikinaalarma ni Senator Joel Villanueva ang kapalpakan at iregularidad sa rice procurement process ng National Food Authority o NFA.

Ang pahayag ni Villanueva ay makaraang lumabas sa pagdinig ng senado ang matinding kakulangan sa supply ng NFA rice.

Dismayado si Villanueva sa katwiran ni NFA Administrator Jason Aquino na kaya nangyari ito ay dahil delay ang importasyon ng bigas at hindi sila makabili ng palay sa mga lokal na magsasaka sapagkat mataas ang kanilang presyo.


Para kay Villanueva, walang pwedeng ikatwiran ang pamunuan ng NFA dahil trabaho ng pamahalaan na tutukan ang kapakanan ng mamamayan at tiyakin na mayroon silang pagkain tulad ng abot-kayang bigas.

Giit ni Aquino, dapat pag-ibayuhin ng NFA ang polisiya nito sa pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagtanggal sa middlemen para hindi na tumaas ang presyo nito.

Dapat din aniyang madaliin ang proseso ng pag-angkat ng bigas para agad mapunan ang mauubos ng buffer stock ng NFA rice.

Facebook Comments