DISMAYADO | Masaker sa 3 pulis sa Camarines Sur, ikinadismaya ni Senator Lacson

Dismayado si Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson sa tila wala kahirap hirap na pagmasaker sa mga pulis sa Lupi, Camarines Sur na nag-i-escort sa isang VIP.

Sa nabanggit na insidente ay tatlong pulis ang agad na nasawi at tatlo naman ang sugatan.

Ayon kay Lacson na dating hepe ng pambansang pulisya, nakakababa ng tingin sa mga otoridad na pwedeng pwede na basta na lang harangin ang mga ito at pagbabarilin habang bumabagtas sa hiway sa ilalim ng sikat ng araw.


Labis pang ikinadismaya ni Lacson na walang man lang agad na rumesponde sa mga biktima mula sa police headquartes na pinakamalapit sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments