DISMAYADO | Muling pagkalat ng mga basura sa Boracay, ikinadismaya ng DOT

Aklan – Nadismaya si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga basurang nagkalat sa white beach ng Boracay.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ng dry run ng soft opening nito na magtatagal hanggang October 25.

Ayon kay Puyat – hindi ito magandang simula.


Aniya, problema ang kawalan ng disiplina sa ilang residente at turista.

Dagdag ng kalihim – gusto nilang na mabura ang pagkakakilala sa isla bilang ‘party place’.

Nagbabala rin si Puyat sa mga papasok na turista.

Nabatid na nag-viral sa social media ang mga litrato kung saan makikitang nakakalat ang mga styrofoam at upos ng sigarilyo na naiwan sa white beach.

Facebook Comments