Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan ang pagputol ng National Youth Commission o NYC ng ugnayan sa TAYO Awards Foundation.
Ayon kay Senator Pangilinan, ang TAYO o ten outstanding youth organizations awards ay sinimulan noon pang 2002.
Diin ni Pangilinan, sa loob ng 15 taon ay hindi naapektuhan ng politika ang NYC at naging tutok ito sa pagsusulong ng pagkakaisa at kooperasyon para sa mga kapabataan.
Hinala ni Pangilinan, may bahid ng politika ang desisyon ng NYC na posibleng maging daan pa ng pagkakawatak watak sa halip na makipagtulungan para sa paglalatag ng mas mainam na oportunidad at pagkilala sa galing ng mga kabataang Piliipino.
Sa kabila nito, tiwala si Pangilinan na hindi nito maaapektuhan ang mga pagsisikap na palakasin ang mga kabataan sa bawat komunidad sa buong bansa.