Manila, Philippines – Dismayado ang naging biktima ng kilalang doktor na si Joel Mendez matapos makapag-piyansa para sa kinakaharap na kasong panggagahasa.
Iginiit ng biktimang itatago sa pangalangang ‘Bernadette’, ang pagkakaalam niya ay non-bailable o hindi maaring makapagpiyansa si Mendez sa kanyang kinakaharap na kaso.
Handang harapin si Bernadette si Mendez sa Korte.
Hindi rin naitago ng biktima ang galit sa doktor at hinimok ang iba pang naging biktima umano ng doktor na lumutang na rin
Isang kilalang doktor ng mga artista si Mendez na naaresto noong Huwebes ng gabi at Pansamantalang ikinulong sa Mandaluyong police station.
Agad ding nakalaya pansamantala si Mendez kinabukasan matapos magbayad ng P360,000 na piyansa.
Facebook Comments