Manila, Philippines – Ikinadismaya ni Senator Leila de Lima ang pagsantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya laban sa ilegal na droga sa dahilang nakakatulong ito sa lokal na ekonomiya.
Reaksyon ito ni de Lima sa sinabi ni Duterte na saka na lang niya haharapin ang pagresolba sa jueteng kapag may nailatag ng programa o kabuhayan ang gobyerno para sa mga mga mahihirap na umaasa sa operasyon nito.
Ayon kay de Lima, malinaw sa polisya ni Pangulong Duterte sa jueteng na sa halip manguna sa pagpapatupad ng mga batas sa bansa ay ito ang pangunahing lumalabag.
Binanggit pa ni de Lima ang pagdeklara ni Duterte sa ating konstitusyon bilang kapirasong papel lamang sa harap mismo ng mga kasapi ng sandatahang lakas na syang nagdidepensa nito.
Hinala ni de Lima, posibleng may mga jueteng Lords na pinoprotektahan si Pangulong Duterte.