DISMAYADO | Pagtapyas sa pondo ng National Electrification Administration o NEA, ikinadismaya ng Kamara

Manila, Philippines – Ikinadismaya ni House Appropriations Chairman Rep. Karlo Nograles ang pagtapyas sa pondo ng National Electrification Administration o NEA para sa 2019.

Aabot sa P635 Million ang inalis sa budget ng NEA o P1.1 Billion na lang sa 2019 mula sa P1.8 Billion ngayong taon.

Ayon kay Nograles, katumbas ito ng 450 na sitio na hindi mabibigyan ng electricity supply.


Ipinaliwanag pa ni Nograles na batay sa talaan ng NEA, nasa 19,740 na sitio o 2.4 million na kabahayan ang hindi pa naabot ng suplay ng kuryente kung saan mayorya sa mga ito ay nasa Mindanao.

Kasabay nito, iginiit ng kongresista mula sa Davao na dapat na gumawa ng paraan ang Department of Energy at NEA upang kahit maging ang mga taga-probinsya ay makinabang sa serbisyo ng kuryente.

Facebook Comments