DISMAYADO | Pangako ni PRRD sa paglaganap ng Fish Pens sa Laguna de Bay, ikinadismaya ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Dismayado ang isang mamababatas matapos na magsusumbong si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa patuloy na paglaganap ng Fish Pens sa Laguna de Bay.

Sa ginanap na presscon sa Manila, sinabi ni Atienza isa ito sa mga pangako ni Pangulong Duterte sa kanyang mga naunang SONA pero tila nabinbin dahil patuloy pa rin ang pagdami ng mga ito.

Dagdag pa ni Atienza na may nakapag sabi sa kanya na mga retire. General o malalaking tao ang mga nasa likod ng pagtatayo ng Fish Pens .


Pero ayaw niya aniyang maniwala na takot ang Pangulo kahit kanino at umaasa siya na aaksyunan ng Pangulo ang problemang ito.

Paliwanag ng mambabatas dapat ay mga bata at publiko sana ang nakikinabang sa Laguna de Bay ngunit ito ay ginagawang negosyo ng mga iilan nasa kapangyarihan.

Facebook Comments