Manila, Philippines – Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang lahat ng kapangyarihan para marepaso ang pagbasura ng National Prosecution Service sa kasong drug trafficking laban kina Kerwin Espinosa, Peter Co at Peter Lim. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, handa si Pangulong Duterte na gamitin ang power of supervision and control sa gitna ng pagkakadismaya nito sa kinalabasan ng reklamo sa tatlong tinaguriang drug lords. Ayon kay Secretary Roque, kaya galit si Pangulong Duterte ay dahil umamin na nga na drug lord partikular si Kerwin Espinosa sa senate inquiry pero na-dismiss ang kaso dahil daw mahina ang ebidensya ng Criminal Investigation and Detection Group. Idinagdag ni Secretary Roque na nasabi rin ni Pangulong Duterte kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kung nakawala si Kerwin ay siya ang ipapalit nito sa kulungan. Agad naman bumuo si Aguirre ng bagong panel na hahawak sa inihaing mosyon ng CIDG.
DISMAYADO | Pangulong Duterte, nagbantang ipapalit sa kulungan si SOJ Aguirre kung makakalaya si Kerwin Espinosa
Facebook Comments