DISMAYADO | PDEA, dismayado matapos tanggihan ng DepEd ang mandatory drug test sa grade 5 pupils pataas

Manila, Philippines – Dismayado si Philippines Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino matapos na tumanggi ang Department of Education (DepEd) sa mungkahi na isailalim sa mandatory drug test ang mga estudyante mula sa grade 4 elementary student pataas.

Ayon kay Director General Aquino, hiniling ng DepEd na maamiyendahan muna ang isang probinsyon ng section 36 ng R.A 9165 na nagsasabi na kung estudyante ang isasailalim sa drug test kailangan gawin ito na may pang sang-ayon ng magulang.

Iginiit din ng kagawaran dapat isagawa ng random ang drug testing taliwas sa gusto ng PDEA na gawing mandatory ang drug testing.


Umaapela si Aquino sa DepEd na ikonsidera ang kanilang pasya.

Aniya, malaki na ang nagbago magmula ng maipasa ang nasabing batas noong 2002 kumpara sa panahon ngayon.

Mula 2011 hanggang June 30,2018, pumalo na sa 4,026 na menor de edad ang nagagamit sa drug trade.

Pinakabata rito ay nueve anyos at ang pinakamatanda ay 17 anyos.

Facebook Comments