DISMAYADO | Sen. Pimentel, pinapalayo na sa pederalismo si Asec Uson

162

Manila, Philippines – Pinapalayo na ni Senator Koko Pimentel si Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa pederalismo matapos kumalat sa social media ang kontrobesyal na i-pederalismo dance video.

Nauna ng sinabi ni Pimentel na maganda at napakatalinong desisyon na isama si Assistant Secretary Mocha sa grupo na magpapaliwanag sa mamamayan ukol sa pederalismo.

Pero ayon kay Pimentel, sa halip na makatulong si Assistant Secretary Mocha ay hindi niya akalain na bababuyin ang pederalismo.

Diin ni Pimentel, kahit alisin ang kontrobersyal na sayaw at kanta ukol sa pederalismo ay mali mali din ang substance ng statement ukol sa pederalismo na binasa sa nabanggit na video.

Ikinalungkot ni Pimentel na makakaiisip o gagawa ng ganitong klaseng kalokohan ang isang magaling na appointed official ng pamahalaan.

Sa tingin ni Pimentel, makabubuting mag-leave muna si Assistant Secretary Mocha para mag-aral na mabuti.

Facebook Comments