DISMAYADO | Senator Ejercito, ikinadismaya ang hindi pagpasa sa panukalang supplemental budget para sa mga naturukan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Labis na ikinadismaya ni Senate Committe on Health Chairman JV Ejercito ang kabiguan ng Senado na maipasa ang panukalang supplemental budget para sa mga naturukan ng Dengvaxia.

Bunsod nito ay nag-aalala ngayon si Senador Ejercito para sa kapakanan ng mga 800,000 na nabigyan ng Dengvaxia na mangangailangan ng tulong medikal.

Sa huling session ng Senado na umabot hanggang alas-dos kaninang madaling araw ay hindi naipasa ang panukalang paglalaan ng mahigit isang bilyung pisong supplemental budget para sa pangangailangang medikal ng mga tumanggap ng Dengvaxia vaccines.


Ito ay dahil wala ng quorum o hindi na sapat ang bilang ng mga sendor nang tumayo si Finance Committre Chairperson Senator Loren Legarda para sponsoran at isulong ang pagpapasa sa panukalang supplemental budget.

Bukod dito ay atrasado na rin ang pagpapadala sa Senado ng naaprubahang supplemental budget sa Mababang Kapulungan ng kongreso.

Sa mahabang session ay tinutukan ng mga senador ang pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL at pagtalakay sa resolusyon na komokontra sa pagpabor ng Supreme Court (SC) sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Facebook Comments