Manila, Philippines – Ikinadismaya ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Jose Maria Sison ang pagpapaliban ng pagsisimula ng peace talks sa Oslo, Norway sa June 28.
Bukod dito, hindi rin nagustuhan ni Sison ang pagkansela sa stand-down ceasefire na dapat sana ay ipatutupad sa June 21.
Ani Sison, ang ginawang hakbang ng gobyerno ay patunay na hindi ito seryoso sa pakikipagnegosasyon sa NDFP.
Hinimok ni Sison ang peace negotiating panels ng gobyerno sa pamumuno ni Labor Secretary Silvestre Bello III at ng NDFP na si Fidel Agcaoili na isapubliko ang mga nilagdaang kasunduan noong June 9 at 10.
Facebook Comments