Manila, Philippines – Nababahala ngayong ang international community sa naging desisyon ni US President Donald Trump na kumalas na ang amerika sa nuclear deal sa Iran.
Dismayado at ikinalungkot ng mga lider ng France, Germany, United Kingdom at Russia ang desisyon ni Trump lalo nat malaki umano ang pakinabang ng kasunduan.
Ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ay naglalayon na limitahan ng iran ang paggawa nito ng kanilang mga nuclear weapons.
Kapalit nito ay ang pagtanggal ng sanctions na ipinapatupad ng UN, US at EU.
Ang kasunduan ay mula sa Iran at limang permanteng miyembro ng UN security council ito ay ang US, UK, France, china, Russia at Germany.
Facebook Comments