Dismissal ng Ombudsman sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na sangkot sa maanomalyang 67-million cash advances, pinagtibay ng Court of Appeals

Pinagtibay ng Court of Appeals  ang desisyon ng Ombudsman na nagpapataw ng dismissal sa ilang emeyado at opisyal ng Philippine Coast Guard kaugnay ng maanomalyang paggamit ng cash advances na P67 million.

 

Sinabi ng CA 12th Division na tama ang desisyon ng Ombudsman na tanggalin sa serbisyo si Coast Guard Commander Jude Thaddeus Besinga at iba pang tauhan ng PCG.

 

Sa desisyon ng Ombudsman, lumalabas na guilty si Besinga sa grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.


 

Nag-ugat ang kaso ni Besinga sa isang  anonymous complaint na isinampa sa Commission on Audit kaugnay ng anomalya sa liquidation ng mga cash advances ng PCG na mahigit 67-million pesos na ipinambili ng office supplies at information technology equipment.

 

Sa report ng Ombudsman, nagkaroon ng misrepresentation at fraud sa nasabing liquidation.

Facebook Comments