Dismissal order laban kay Aklan Mayor Cawaling, isinilbi na

Isinilbi na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dismissal order laban kay Malay, Aklan Mayor Cicero Cawaling.

Ito ay may kaugnayan sa grave misconduct at iba pang paglabag na nagresulta sa pagkasira at pagpapabaya sa isla ng Boracay.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang kautusan ay ipinatupad base na rin sa desisyon mula sa Office of the Ombudsman.


Napatunayang guilty ang alkalde sa gross neglect of duty, conduct of unbecoming of a public official at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ganito rin ang kakaharaping parusa ng licensing officer na si Jen Salsona.

Bukod sa matatanggalan ng retirement benefits, si Cawaling at Solsona ay hindi na papayagang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Ang kanilang offenses ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ibinasura naman ang kaso laban sa iba pang opisyal, kabilang si Aklan Governor Florencio Miraflores dahil sa kakulangan ng substantial evidence.

Facebook Comments