Dismissal order sa isang pulis na dawit sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, hindi naipatupad agad dahil sa nakahaing mosyon sa Korte Suprema

Bagama’t mayroon nang naunang kautusan sa agarang pagpapatupad ng dimissal order laban kay Police Staff Sgt. Gerry Maliban na dawit din sa pagpatay kay Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas City.

Hindi ito naipatupad dahil sa nakabinbing mosyon nito sa Supreme Court.

Ito ang pag-amin ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer Atty. Alberto Bernardo matapos kwestyunin ang pananatili ni Maliban sa serbisyo.


Aniya, may motion for reconsideration si Maliban at pending pa ang desisyon sa pag-alis sa kaniya sa serbisyo.

Paliwanag nito, bahagi ito ng due process.

Samantala, maliban sa mosyon ni Maliban sa Korte Suprema, 2020 umano bumaba ang desisyon sa kaso nito na noo’y kasagsagan ng COVID-19 pandemic na nakaapekto sa mabagal na pag-usad ng kaniyang kaso.

Nabatid na grave misconduct and serious irregularity in the performance of duty noong 2020 ang kinakaharap ni Maliban, hiwalay pa sa administratibong kaso na kanyang kinakaharap ngayon sa PNP Internal Affairs Service dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Baltazar.

Facebook Comments