Dismissal order sa kasalukuyang mayor sa lungsod ng Cagayan De Oro, ipinalabas na ng Office of the Ombudsman

Cagayan De Oro City- Ipinalabas na ng Office of the Ombudsman ang dismissal order dahil sa kasong graft na isinampa laban sa dating gobernador ng Misamis Oriental at kasalukuyang Mayor sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Napag-alaman na sinampahan ng kaso si Mayor Moreno, dahil sa pagbili nito ng mga equipment na hindi dumaan sa public bidding.

Si Mayor Oscar Moreno at mga kasama na sina Patrick Gabutina, Elsie Lopoy, Rolando Pacuribot, Divina Bade, Cancio Guibone, Leemar Tinagan ug Elmer Wabe na dating miembro ng bids and awards committee ang nahaharap sa six counts ng Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa ilalim ng Republic Act No. 3019.


Base sa mandato ng Ombudsman, sina Mayor Moreno at mga kasamahan ang pinagbabawalan na maupo sa ano mang public office, kanselasyon ng eligibility, pagtanggal ng retirement benefits at hindi na rin ito maaaring kumuha ng civil service examination.

Napag-alaman na ito ay may kinalaman sa inaprobahan ni mayor Moreno na P1.4 million pesos na budget para ibili ng mga fuel tankers, trailer trucks at vibratory road roller noong taong 2007, 2011 hanggang 2012.

Bigo umano sina Mayor Moreno na i-presenta ang BAC resolution para ma justify ang nasabing procurement.

Sa kasalukuyan, pending ang apela nina Mayor Moreno sa tanggapan ng Court of Appeals.
DZXL558

Facebook Comments