Hindi kaagad maaring ipatupad ang pagpapasibak sa 9 na mga pulis ng Imus Cavite na huli sa CCTV na nanransak at nagnakaw sa tahanan ng isang retiradong propersa.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson PCol. Jean Fajardo, recommendatory pa lamang kasi ang resulta ng imbestigasyon ng PNP internal Affairs Service.
Aniya, dadaan pa ito sa Commission on Disposition of Administrative cases.
Ani Fajardo, layon nitong mabigyan nang pagkakataon ang mga akusado na magpaliwanag at makapaghain ng motion for reconsideration na bahagi ng due process.
Paliwanag pa nito, iniiwasan din kasi ng liderato ng PNP na mabasura o mabaliktad kalaunan ang kaso dahil sa kakulangan ng tamang proseso.
Samantala, maliban dito, isinasailalim narin sa review ng komisyon ang resulta ng imbestigasyon sa kaso nang pagpaslang ng Navotas police sa menor de edad na si Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity.