Wednesday, January 28, 2026

Dismissal sa AWOL na pulis na ‘kidnaper’ tiniyak ng PNP

Iniutos ni acting Philippine National Police (PNP) Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagsisimula ng dismissal proceedings laban sa isang pulis dahil sa pag-kidnap umano sa isang negosyante na napag-alamang pinsan din nito.

Ayon kay Nartatez,  itutuloy nila ang parehong administratibo at kriminal na mga kaso kung saan ayon sa kanya walang puwang sa PNP ang mga pulis na lumalabag sa batas.

Samantala, upang maiwasang maulit ang nasabing insidente, iniutos ni Nartatez ang isang nationwide validation ng mga Absent Without Leave (AWOL) na pulis, kabilang ang accounting ng mga service firearm at mga ipinamigay na police identification card.

Nabatid na pwersahang dinukot at tinutukan ng baril ng 3 suspek ang biktima nang dumating ito sa kanyang warehouse kung saan kinuha rin nila ang pulang pick-up nito.

Pagkatapos ng ginawang kidnapping ay nag-demand umano ang mga suspek ng 5 milyong piso para sa pag-release ng nasabing biktima.

Tiniyak naman ni Nartatez na walang magiging palakasan at walang proteksyon kung may maling nagawa ang sinumang miyembro ng kapulisan.

Facebook Comments