Dismissal sa siyam na pulis na sangkot sa Jolo shooting incident, inaprubahan na ng PNP

Inaprubahan na ng Philippine National Police (PNP) na i-dismiss sa serbisyo ang siyam na police officers na sangkot sa pamamaril sa apat na Army intelligence operatives sa Jolo, Sulu noong Hunyo.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, inabisuhan na nila ang investigating body ng Department of Justice (DOJ) na kapay naisapinal ang dismissal at hindi pa nakapag-isyu ang korte ng arrest warrant laban sa mga pulis, itu-turn over na nila ito sa kanilang mga kamag-anak at wala na silang anumang hurisdiksyon sa kanila.

Kapag na-dismiss ang mga ito sa PNP, ang siyam na pulis ay magiging sibilyan na lamang at wala na silang legal na basehan para ikulong ang mga ito.


Para maiwasan ang alegasyon ng arbitrary detention, nakikipag-coordinate ang PNP sa DOJ.

Una nang isinampa ang administrative charges laban kina Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Staff Sergeant Iskandar Susulan, Staff Sergeant Ernisar Sappal, Corporal Sulki Andaki, Patrolman Mohammed Nur Pasanio, Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkajal Mandangan, at Patrolman Rajiv Putalan.

Batay sa findings ng PNP Internal Affairs Service (IAS), nahaharap sa administrative charges sina Jolo Police Chief, Lieutenant Colonel Walter Annayo, Sulu Provincial Police Chief Lieutenant Colonel Michael Bayawan Jr., at Captain Ariel Corsino, pinuno ng Sulu Drug enforcement unit.

May pananagutan ang mga nasabing police officers sa ilalim ng doctrine of command responsibility.

Si Annayo ay napatay nitong Nobyembre ng hindi nakikilalang suspek sa Maguindanao.

Facebook Comments