Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, hindi raw alam na kriminal ang mga kasosyo niya sa negosyo… Guo, ipina-cite in contempt ng House Quad Committee

Ipina-cite in contempt ng House Quad Committee si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa hindi pagsagot sa mga tanong ng mga kongresista.

Sa pagdinig, kinuwestiyon ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro ang pagbati ng Chinese community para kay guo bilang “first Chinese mayor.”

Pero ayon kay Guo, ang tatay raw niyang si Jian Zhong Guo, na isang Chinese, ang binabati ng chinese community.


Ipinakita rin ni Luistro ang isang grade school

class picture at pinakukumpirma kay Guo kung siya ang isa sa mga nasa larawan.

Sa pagtatanong naman ni PBA Party-list Representative Margarita Nograles, sinabi ni Guo na hindi niya alam na mga kriminal ang mga kasosyo niya sa negosyo.

Bukod dito, paulit-ulit nang tumanggi si Guo na sagutin ang tanong ng mga kongresista ukol sa POGO at mga krimeng iniuugnay dito dahilan para patawan siya ng contempt ng Quad Committee.

Humiling naman si Guo ng executive session sa kamara at nangakong sasabihin ang totoo pero hindi siya pinagbigyan ni Abang Lingkod Party-List Representative Joseph Paduano.

Samantala… sa kabila ng contempt order, ibinalik si Guo sa PNP Custodial facility sa Camp Crame pagkatapos ng hearing.

Facebook Comments