Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, makukwestyon ng husto sa pagdinig ng Senado

Inaabangan na ang muling pagharap ngayong araw ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa imbestigasyon ng Senado matapos na payagan ng Tarlac RTC na makadalo sa pagdinig.

Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na may mga ikakantang pangalan na si Guo lalo’t maituturing na “end of the road” na ito sa pinatalsik na alkalde.

Sinabi pa ng mambabatas na wala na rin namang mapagpipilian si Guo at wala na rin siyang mapupuntahan.


Kung may ibubulgar mang mga kasabwat si Guo ay makatutulong pa siya sa gobyerno sa pagsugpo ng krimen.

Aniya, bagama’t marami nang napagusapan tungkol kay Guo sa mga nakalipas na pagdinig, pipigain pa rin ng mga katanungan at impormasyon si Alice Guo.

Kabilang na rito ang mga katanungan sa kung sino-sino ang mga kasosyo o kasabwat ni Guo sa pagtatayo ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa at kung sino ang mga tumulong sa kanya para makapuslit palabas ng Pilipinas.

Facebook Comments