Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, naghain ng kontra-salaysay sa DOJ; kasong human trafficking, pinababasura

Naghain ng counter affidavit at motion to reopen investigation si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa reklamong qualified human trafficking na isinampa laban sa kanya ng PAOCC at PNP-CIDG kaugnay sa ni-raid na POGO sa Bamban, Tarlac.

Pero walang sumipot na Alice Guo sa Department of Justice, at sa halip ay ang umano’y representative ng mga POGO sa Bamban at Porac na si Dennis Cunanan ang nagsumite ng kontra-salaysay.

Ito rin ay kinumpirma ni DOJ Usec. Nicholas Ty.


Sa counter-affidavit, ipinababasura ni Guo ang reklamong human trafficking dahil hindi raw sapat na ebidensya ang mga bill ng kuryente at mga dokumento ng Baofu Corporation na nakapangalan sa kaniya.

Isang kalokohan daw ang rason na sangkot siya sa kaso dahil lang aniya sa pagiging staff nito sa Baofu Corporation, na posibleng nahaluan lang din daw ng pulitika.

Ngayong araw ang itinakdang extended deadline ng DOJ para makapaghain ng kontra-salaysay si Cunanan, gayundin ang Chinese na si Lin Baoying at Maybelline Millo.

Hindi nagpaunlak ng panayam si Cunanan at agad ding umalis kasama ang kanyang abogado.

Facebook Comments