Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, noong buwan pa ng Hulyo nagpapalipat-lipat ng bansa -PAOCC

Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC na hindi dumaan sa mga komersyal na Transportasyon si Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang pumuslit ito sa ibang bansa.

Ayon sa PAOCC walang kahit anong record sa mga commercial vessels na pandagat o panghimpapawid ang pangalan ng alkalde.

Napag-alaman din na simula pa noong Hulyo pa lumabas ng bansa si Guo at nagpalipat-lipat ito ng bansa hanggang ika-labing walo ng Agosto.


Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng PAOCC kung paano nakaalis si Guo palabas ng bansa.

Facebook Comments