Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang dalawang petisyong nagpapatalsik kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ito ay kaugnay sa umano ay na-expire na ang termino ni Morales noon pang November 30, 2012.
Sa nangyaring full court session sa Baguio City, dismissed ang mga petisyong inihain nina Rey Nathaniel Ifurong at Al Vitangcol III.
Binanggit sa desisyon ang nakasaad sa konstitusyon kung saan ang itinalaga ang Ombudsman na may pitong taong termino na walang re-appointment.
Nabatid na sinalo ni Morales ang posisyon na binakante ni Merceditas Gutierrez noong May 6, 2011 para maiwasan ang Impeachment Trial ni dating Chief Justice Renato Corona.
Facebook Comments