Manila, Philippines – Binawi na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II
ang naunang desisyon ng National Prosecution Service na nag-dismiss sa
kasong drug trafficking laban kay Kerwin Espinosa, Peter Lim at 20 iba pang
drug lords.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang kanina, sinabi ni Aguirre na naglabas na
siya ng kautusan kahapon kung saan wide open ang imbestigasyon sa panig ng
mga akusado at ng mga pulis.
Ibig sabihin, pwede nang magsumite ng mga ebidensya ang magkabilang panig.
Dagdag pa ni Aguirre, walang nakalaya nang pumutok ang dismissal order
dahil hindi naman ito nakarating sa Office of the Justice Secretary.
Samantala, nilinaw ni Aguirre na mga bagong prosecutor na ang may hawak sa
kaso laban kina Espinosa.
Ito ay matapos niyang paimbestigahan maging ang kanyang mga prosecutor
kasunod ng backlash o pagkondena sa naunang dismissal order.